2 sinabi ni Rafael, “Natatandaan mo ba ang kalagayan ng iyong ama noong tayo'y lumisan?
3 Mabuti pa'y mauna na tayo para makapaghanda agad sa bahay. Hayaan mo nang mahuli ang iyong asawa at ang buong pangkat.”
4 At nauna nga silang dalawa. Sa daa'y sinabi ni Rafael, “Tobias, dalhin mo ang apdo ng isda.” Lumakad silang kasunod ang aso ni Tobias.
5 Samantala'y patuloy na nag-aabang si Ana sa lansangang daraanan ni Tobias.
6 Nang makita niyang ito'y dumarating, pasigaw niyang tinawag si Tobit at sinabi, “Narito na si Tobias kasama ang lalaking pinasama mo.”
7 Bago dumating ng bahay, sinabi ni Rafael kay Tobias, “Sigurado kong makakakitang muli ang iyong ama.
8 Pagdating mo'y ipahid mo agad sa kanyang mga mata ang apdo ng isda. Aalisin nito ang katarata sa mata ng iyong ama at muli siyang makakakita.”