15 Ako si Rafael, isa sa pitong anghel na humaharap sa Diyos para maglingkod sa kanya.”
16 Sa takot ng dalawa, sila'y nagpatirapa.
17 “Huwag kayong matakot,” wika ni Rafael, “pumayapa kayo. Magpasalamat kayo sa Diyos habang kayo'y nabubuhay.
18 At huwag ninyo akong intindihin, hindi ninyo dapat kilalaning utang na loob ito sa akin. Sinusunod ko lamang ang kalooban ng Diyos. Patuloy kayong magpasalamat sa kanya, at umawit ng pagpupuri habang kayo'y nabubuhay.
19 Kung nakikita ninyo akong kumakain at umiinom, ang nakikita ninyo'y pangitain lamang.
20 Tumayo kayo at magpuri sa Diyos, sapagkat ako'y aakyat na sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa inyo ay inyong isulat.”
21 Nang sila'y tumayo, wala na si Rafael.