19 Kung nakikita ninyo akong kumakain at umiinom, ang nakikita ninyo'y pangitain lamang.
20 Tumayo kayo at magpuri sa Diyos, sapagkat ako'y aakyat na sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa inyo ay inyong isulat.”
21 Nang sila'y tumayo, wala na si Rafael.
22 Bunga ng lahat ng ito, patuloy silang nagpuri sa Diyos at umawit ng pasasalamat dahil sa mga ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na nagpakita sa kanila.