3 Napakalaki po ng nagawa niyang tulong sa atin—ibinalik niya akong ligtas, ginamot ang aking asawa, dahil sa kanya'y napabalik ang ating salapi, at higit sa lahat, pinagaling kayo. Magkano nga kayang pabuya ang nararapat kong ibigay?”
4 “Tamang ibigay mo ang kalahati ng kayamanang taglay mo,” tugon ng kanyang ama.
5 Matapos ang kanilang pag-uusap, tinawag ni Tobias si Rafael, at sinabi rito, “Dalhin mo ang kalahati ng kayamanang dala natin at humayo kang payapa.”
6 Tinawag ni Rafael ang mag-amang Tobit at Tobias at sila'y nag-usap. Sinabi niya, “Salamat sa Diyos! Siya ang purihin natin at dakilain. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao ang kanyang ginawa sa inyo. Umawit kayo ng pagpupuri at pasasalamat. Ihayag ninyo't parangalan ang kanyang mga gawa at huwag kayong manghihinawa sa paggawa nito.
7 Ang mga bagay na inililihim ng hari'y hindi dapat ibunyag ngunit ang mga gawa ng Diyos ay dapat ipahayag upang siya'y parangalan at kilanlin. Gawin ninyo ang mabuti at hindi kayo madadaig ng masama.
8 Mas mainam ang manalanging may katapatan at makatuwirang pagtulong sa mahihirap. Ang kaunting kabutihan ay higit na mainam kaysa kayamanang ginagamit sa masama. Mas mabuti ang magkawanggawa kaysa mag-impok ng ginto.
9 Ang gumagawa nito ay naliligtas sa kamatayan at dinadalisay sa bawat kasalanan. Hahaba ang buhay niya,