8 Mas mainam ang manalanging may katapatan at makatuwirang pagtulong sa mahihirap. Ang kaunting kabutihan ay higit na mainam kaysa kayamanang ginagamit sa masama. Mas mabuti ang magkawanggawa kaysa mag-impok ng ginto.
9 Ang gumagawa nito ay naliligtas sa kamatayan at dinadalisay sa bawat kasalanan. Hahaba ang buhay niya,
10 ngunit ang nagugumon sa pagkakasala ay kaaway ng sarili niya.
11 “Kailangang malaman na ninyo ang katotohanan; wala akong ililihim sa inyo. Natatandaan ninyong sinabi ko na ang mga inililihim ng hari ay hindi dapat ibunyag, ngunit ang mga gawa ng Diyos ay dapat ngang ipahayag.
12 Ngayon ko sasabihin sa inyo na noong manalangin ka, Tobit, at ang manugang mong si Sara sa Panginoon, ako ang nagharap ng dalangin ninyo sa Diyos. Gayundin ang ginagawa ko tuwing may inililibing ka.
13 Alam kong kahit ka kumakain ay iniiwan mo ang hapag para lamang maglibing ng patay.
14 Bumabâ ako rito para subukin ka. Ako rin ang isinugo ng Diyos para pagalingin ka at ang iyong manugang na si Sara.