Tobit 14:4 MBB05

4 dalhin mo agad sa Media. Naniniwala ako sa sinabi ng Diyos kay Nahum tungkol sa Nineve. Ang sinabi ng kanyang mga propeta ay tiyak na mangyayari, at ang Asiria at Nineve ay parehong paparusahan. Lahat ng pahayag ay matutupad sa takdang panahon. Mapanganib sa Asiria at Babilonia kaya doon na kayo magpunta sa Media.“Ang mga kababayan natin sa Israel ay paaalisin sa mabuting lupain at itatapon sa ibang bansa. Ang buong bansa ng Israel pati na ang Samaria at Jerusalem ay mangungulila. Matutupok ang Templo ng Diyos, at pansamantalang magiging mapanglaw!

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 14

Tingnan Tobit 14:4 sa konteksto