1 Ang nangyaring ito'y labis kong dinamdam. Sa sama ng loob, ako'y napaiyak nang malakas. Tumatangis akong nanalangin nang ganito:
2 Ikaw ay matuwid at makatarungan,O Panginoon, tapat ka sa lahat ng bagay.Ikaw ang hukom ng daigdig na ito.
3 Kaya naman ako'y iyong kahabagan, linisin ako at iyong tulungan,sa mga kasalanan ko'y huwag mong parusahan,sa di sinasadyang mga kamalianat pagkakasala ng aking mga ninuno.
4 Sa pagkakasala nila at paglabag,itong aming lahi'y nabihag at naghirap,maraming namatay nang sila'y dalhing-bihag.Kahit saang bansang aming kinasadlakan,tinutuya kami't pinag-uusapan,nalagay kami sa labis na kahihiyan.