Tobit 3:10 MBB05

10 Lubhang nalungkot si Sara nang araw na iyon. Umiiyak siyang umakyat sa silid ng kanyang ama. Nais na niyang magbigti, ngunit nagbago ang kanyang isip. “Hindi!” nasabi niya sa sarili. “Hahamakin ng mga tao ang tatay ko kapag ito'y ginawa ko. Tiyak na sasabihin nila sa kanya, ‘Iisa na nga lang ang anak mong babae, nagpakamatay pa dahil sa kapighatian!’ Para kong itinulak ang aking ama sa hukay dahil sa sama ng loob. Mabuti pang hilingin ko sa Panginoon na siya ang kumitil sa aking buhay para hindi na ako kutyain ng mga tao.”

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 3

Tingnan Tobit 3:10 sa konteksto