14 Iyong nababatid na ako'y dalaga,nakasiping na lalaki, kailanma'y wala pa.
15 Dangal ng sarili'y aking naingatan, pati na ang dangal ng aking magulangsa lugar kung saan dinala kaming bihag.Itong aking ama'y walang ibang anak,walang kamag-anak na aking magiging kabiyak.Pitong beses na akong nabiyudakaya ang buhay ko'y wala nang halaga.Kung ang buhay ko'y di mo pa kukunin,iyong ipadama ang habag sa akin,huwag mo nang hayaang ako ay kutyain.”
16 Ang dalangin ni Tobit at ni Sara ay narinig ng Diyos. Noon di'y tinugon niya ang kanilang kahilingan.
17 Isinugo niya ang anghel na si Rafael upang sila'y tulungan. Isinugo ito upang alisin ang katarata sa mata ni Tobit at upang palayain si Sara sa kapangyarihan ng demonyong si Asmodeo, at pagkatapos ay makasal kay Tobias, na anak ni Tobit, sapagkat si Tobias ang may karapatan kay Sara. Samantalang si Tobit ay pabalik sa kanyang tahanan mula sa bakuran nila, si Sara naman, na anak ni Raguel, ay bumababa sa kanyang silid.