Tobit 3:7-8 MBB05

7-8 Nang panahong iyon, sa Ecbatana, Media, ay may isang dalagang ang pangala'y Sara na anak ni Raguel. Pitong ulit na siyang nagpakasal, ngunit bago siya masipingan, bawat mapangasawa niya ay pinapatay ng demonyong si Asmodeo. Isang araw, ininsulto siya ng isang babaing utusan ng kanyang ama. Sabi nito, “Pihong ikaw ang pumatay sa iyong mga naging asawa. Tingnan mo, pito ang naging asawa mo, ngunit wala ni isang nakapagbigay sa iyo ng anak.

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 3

Tingnan Tobit 3:7-8 sa konteksto