4 Alalahanin mo anak na maraming panganib ang kanyang dinanas habang ikaw ay nasa sinapupunan pa niya. Kaya kung siya'y bawian ng buhay, ilibing mo siya sa aking tabi.
5 “Huwag mong kalilimutan ang Panginoon habang ikaw ay nabubuhay; sumunod ka sa mga utos niya at iwasan mong magkasala. Sa iyong buong buhay, gawin mo ang mabuti at iwasan ang landas ng makasalanan.
6 Sikapin mong maging tapat sa gawain at magtatagumpay ka.
7 “Huwag mong tatalikuran ang mahihirap; magkawanggawa ka, at di ka tatalikuran ng Diyos.
8 Ang pagkakawanggawa'y iangkop mo sa iyong katayuan sa buhay; kung mayaman ka'y magbigay ka nang masagana. Ngunit mahirap ka ma'y magbigay ka rin; huwag kang magpapabaya.
9 Alalahanin mong sa paggawa mo nito'y nag-iimpok ka ng kayamanan na magagamit mo sa panahon ng kagipitan.
10 Hindi lamang ito, ang pagkakawanggawa'y nagliligtas pa sa kamatayan at sa kadiliman.