6 Sikapin mong maging tapat sa gawain at magtatagumpay ka.
7 “Huwag mong tatalikuran ang mahihirap; magkawanggawa ka, at di ka tatalikuran ng Diyos.
8 Ang pagkakawanggawa'y iangkop mo sa iyong katayuan sa buhay; kung mayaman ka'y magbigay ka nang masagana. Ngunit mahirap ka ma'y magbigay ka rin; huwag kang magpapabaya.
9 Alalahanin mong sa paggawa mo nito'y nag-iimpok ka ng kayamanan na magagamit mo sa panahon ng kagipitan.
10 Hindi lamang ito, ang pagkakawanggawa'y nagliligtas pa sa kamatayan at sa kadiliman.
11 Ang paglilimos ay isang mabuting kaloob para sa karangalan ng Kataas-taasang Diyos.
12 “Anak, iwasan mo ang anumang uri ng pakikiapid. Huwag kang mag-aasawa sa hindi kabilang sa angkan ng ating mga ninuno. Huwag sa mga dayuhan, kundi sa kabilang sa angkan ng iyong ama, sapagkat tayo'y nagbuhat sa mga propeta. Alalahanin mong lagi sina Noe, Abraham, Isaac at Jacob. Sila ang ating mga ninuno; lahat ay nag-asawa sa mga kamag-anak nila at pinarami ng Diyos ang kanilang mga anak. Ang mga anak na ito ang magmamana ng lupain ng Israel,