1 Si Tobias ay sumagot sa kanyang amang si Tobit, “Susundin ko po ang lahat ng inyong utos.
2 Ngunit paano ko po makukuha ang salaping sinasabi ninyo? Hindi naman ako kilala ng taong sinasabi ninyo at hindi ko rin naman siya kilala! Ano pong katibayan ang ibibigay ko sa kanya upang kilanlin niya ako at ipagkatiwala sa akin ang salaping iyon? Hindi ko rin po alam ang papunta sa Media.”
3 Sumagot si Tobit, “May paraan, anak; lumagda kami ni Gabael sa isang kasulatan, na may dalawang sipi at pagkatapos ay pinagtig-isahan namin iyon. Ang kanya ay kasama ng supot ng salapi. Dalawampung taon na ang nakalipas mula noon! Humanap ka agad ng isang taong mapagkakatiwalaan na makakasama mo. Babayaran natin siya pagbalik ninyo. Kailangang makuha mo ang salaping iyon kay Gabael.”
4 Humanap nga si Tobias ng taong tapat at nakakaalam ng pagpunta sa Media. Paglabas niya'y nakita niya ang anghel na si Rafael na nakatayo sa kanyang harapan, ngunit hindi niya alam na ito'y anghel ng Diyos.