17 Ngunit napaiyak ang asawa ni Tobit. Sabi niya, “Bakit ka naman nagpasya nang ganito? Alam mo namang siya lang ang ating inaasahan at tanging gabay sa buhay.
18 Huwag namang ang higit na mahalaga sa iyo ngayon ay ang kayamanan kaysa sa iyong anak!
19 Ang buhay na kaloob ng Diyos sa atin ay sapat na.”
20 “Huwag kang mag-alala,” sagot ni Tobit. “Ang anak nati'y ligtas na aalis at makakabalik.
21 Pumanatag ka; huwag kang mag-alala, mahal ko. Asahan mong papatnubayan siya ng mabuting anghel, at babalik siyang walang kapansanan.” At tumahan na si Ana.