Tobit 5:9 MBB05

9 Nagbalik si Tobias at sinabi sa kanyang ama ang nangyari. Sabi niya, “Nakakita na po ako ng lalaking makakasama at isa pa nating kamag-anak!”“Tawagin mo siya,” sabi ni Tobit, “nais kong malaman kung kaninong lahi siya nagmula at kung siya'y mapagkakatiwalaan upang samahan ka.”Nagbalik si Tobias kay Rafael at sinabi rito, “Nais kang makausap ng aking ama.” Nagpunta naman si Rafael, at pagpasok sa bahay, binati agad siya ni Tobit.“Magandang araw po!” tugon naman ni Rafael.“Ano ba ang maganda sa buhay ko?” sabi ni Tobit. “Bulag ako, at hindi ko maaninag ang liwanag na kaloob ng Diyos; para na akong patay na nananatili sa kadiliman! Nakakarinig nga ng tinig, ngunit hindi naman makita ang nagsasalita.”“Huwag po kayong mawalan ng pag-asa,” tugon naman ni Rafael, “pagagalingin kayo ng Diyos.”Matapos marinig ito'y sinabi ni Tobit, “Si Tobias ay gustong magpunta sa Media ngunit hindi niya alam ang daan. Puwede bang samahan mo siya? Huwag kang mag-alala; babayaran kita, anak!”Sumagot si Rafael, “Puwede ko po siyang samahan. Lahat po ng daang patungo roo'y alam ko. Madalas po akong magpunta sa Media at natawid ko nang lahat ang mga kapataga't kabundukang papunta roon.”

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 5

Tingnan Tobit 5:9 sa konteksto