1 Umalis nga si Tobias na kasama ang anghel at isinama pa niya ang kanyang aso. Inabot sila ng gabi sa paglalakbay, at doon na sila nagpalipas ng gabi sa may Ilog Tigris.
2 Lumusong si Tobias sa ilog para maghugas ng paa. Walang anu-ano'y may malaking isdang lumundag at tinangkang sakmalin ang kanyang paa. Napasigaw siya.
3 “Hulihin mo,” ang sabi ng anghel, “at huwag mong bibitiwan!”Gayon nga ang ginawa ni Tobias, at iniahon sa pampang ang isda.
4 Sinabi ng anghel, “Biyakin mo ang isda at itago mo ang apdo, puso at atay sapagkat ang mga iyon ay mabuting gamot. Itapon mo ang iba pang lamang-loob.”
5 Sinunod ni Tobias ang utos sa kanya. Nagluto pa siya ng kapiraso ng isda at kinain nila. Ang natira'y inasnan at binaon nila sa paglalakbay.Matapos kumain at magpahinga, nagpatuloy sila sa paglalakbay. Nang malapit na sila sa Media,
6 tinanong ni Tobias ang kasama niya, “Kaibigang Azarias, saan ba mabuting gamot ang apdo, puso at atay ng isda?”