Tobit 6:17 MBB05

17 at kapag naamoy ng demonyo ang usok, tatakas agad ito at hindi na babalik. Bago kayo magsiping, manalangin muna kayong dalawa. Tumayo kayo upang manalangin at hilingin ninyo sa Panginoon na kahabagan kayo at iligtas. Huwag kang matakot, sapagkat si Sara ay itinakda na para sa iyo bago pa likhain ang sanlibutan. Ililigtas mo siya at sasama siya sa iyo. Tinitiyak kong magkakaanak kayo. Huwag kang mag-alala.”Matapos maipaliwanag ni Rafael na si Sara ay kamag-anak niya, minahal na ni Tobias ang dalaga at itinalaga na niya ang sarili na mapangasawa ito.

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 6

Tingnan Tobit 6:17 sa konteksto