2 at ipinakilala sa kanyang asawang si Edna. Ang sabi niya kay Edna, “Ang binatang ito ay kamukhang-kamukha ng pinsan kong si Tobit!”
3 Tinanong sila ni Edna, “Tagasaan ba kayo, mga kapatid?”Sila'y tumugon, “Kami po'y buhat sa lipi ni Neftali, mga dinalang-bihag sa Nineve.”
4 “Kung gayo'y kilala ninyo ang kamag-anak naming si Tobit,” sabi ni Edna.“Aba, Opo!” tugon ng dalawa. “O, kumusta naman siya?” nananabik na tanong ni Edna.
5 “Buháy po at malakas pa rin,” sabi ng dalawa.“Ama ko po siya,” sabi ni Tobias.
6 Napalundag sa galak si Raguel, at umiiyak na hinagkan si Tobias.
7 Ngunit nalungkot siya at napahagulgol nang malaman sa dalawa na bulag pala si Tobit. Sinabi niya kay Tobias, “Pagpalain ka ng Diyos, anak ko! Dakila at napakabuti ng iyong ama! Nakapanlulumo na ang isang tapat at mabuting taong tulad niya ay mabulag!” Umiiyak niyang niyakap si Tobias.
8 Pati si Edna at si Sara ay napaiyak din.Matapos ang kanilang pagpapakilala't pagkukumustahan, nagpapatay si Raguel ng barakong tupa mula sa kanyang kawan at naghanda ng isang salu-salo. Bago kumain, pagkatapos maligo nina Tobias at Rafael, sinabi ni Tobias sa kanyang kasama, “Kapatid na Azarias, hingin mo na kay Raguel ang kamay ni Sara para sa akin.”