Tobit 9:6 MBB05

6 Kinabukasan, maaga silang umalis at nagtungo sa kasalan. Nang pumasok sila sa bahay ni Raguel, nakita nila si Tobias na nakadulog sa hapag. Agad itong tumayo at binati si Gabael. Lumuluha si Gabael na bumati rin, at sinabi, “Ikaw ay dakila at mabuting bata, anak ng dakila at mabuting tao, tapat at mapagkawanggawa. Pagpalain ka nawa ng Panginoon, gayundin ang asawa mo't mga biyenan. Salamat sa Diyos at niloob niyang makita ko ang aking pinsan na si Tobias. Kamukhang-kamukha ka ng iyong ama.”

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 9

Tingnan Tobit 9:6 sa konteksto