2 Alam naman ninyo kung ano ang mga katuruang ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Jesus.
3 Kalooban ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan.
4 Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa,
5 at hindi pagsunod lamang sa nasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakila sa Diyos.
6 Sa bagay na ito, huwag ninyong pagsamantalahan ang inyong kapwa at huwag siyang dadayain sa anumang paraan, sapagkat mahigpit na paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng sinabi namin at pinatotohanan sa inyo noon pa man.
7 Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.
8 Kaya, ang sinumang ayaw sumunod sa katuruang ito ay hindi sa tao sumusuway, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa inyo ng kanyang Espiritu Santo.