15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
16 Magalak kayong lagi,
17 palagi kayong manalangin,
18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19 Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo.
20 Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos.
21 Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti.