5 Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babaing umasa sa Diyos noong unang panahon. Sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa.
6 Tulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan.
7 Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sila sa buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito, nang sa gayon ay walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.
8 Sa aking pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá.
9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
10 Ayon sa nasusulat,“Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.Ang anumang panlilinlang at madayang pananalitasa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.
11 Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama;at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.