8 Sa aking pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá.
9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
10 Ayon sa nasusulat,“Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.Ang anumang panlilinlang at madayang pananalitasa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.
11 Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama;at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,sa kanilang pagdaing, siya'y nakikinig,ngunit sa mga masasama, siya'y tumatalikod!”
13 At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan?
14 At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila.