18 Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.
19 Ikumusta mo ako sa mag-asawang Priscila at Aquila, at sa pamilya ni Onesiforo.
20 Nagpaiwan sa Corinto si Erasto; si Trofimo nama'y iniwan ko sa Mileto dahil may sakit siya.
21 Pilitin mong makapunta dito bago magtaglamig.Kinukumusta ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid.
22 Nawa'y sumaiyo ang Panginoon, at pagpalain ka ng Diyos.