4 sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.
5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
6 At naparito si Juan na isinugo ng Diyos
7 upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito.
8 Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw.
9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
10 Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya.