40 “Binulag ng Diyos ang kanilang mga mataat pinatigas ang kanilang mga puso,upang sila'y hindi makakita,ni makaunawa ang kanilang mga isip,baka pa sila'y manumbalik sa akinat sila'y pagalingin ko.”
41 Sinabi ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagpahayag siya tungkol kay Jesus.
42 Gayunman, marami ring pinuno ng mga Judio ang nanalig sa kanya. Subalit hindi nila maipahayag ito dahil sa takot sa mga Pariseo, na baka sila'y itiwalag sa sinagoga.
43 Mas ginusto nilang kalugdan sila ng tao kaysa kalugdan sila ng Diyos.
44 Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin.
45 At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.