13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga iyon.
14 Dahil akong Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong gawin ito sa isa't isa.
15 Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan.
16 Pakatandaan ninyo, ang alipin ay hindi nakakahigit sa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa sa nagsugo sa kanya.
17 Mapalad kayo kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin.
18 “Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko; kilala ko ang aking mga pinili. Ngunit dapat matupad ang sinasabi sa kasulatan, ‘Pinagtaksilan ako ng taong pinapakain ko.’
19 Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang kapag ito'y nangyari na, sasampalataya kayo na ‘Ako'y Ako nga’.