6 Ang hindi nananatili sa akin ay matutuyo at itinatapon, gaya ng sanga. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at sinusunog.
7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.
8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga bilang aking mga alagad.
9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.
10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
11 “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan.
12 Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.