26 Tinanong naman siya ng isa sa mga utusan ng pinakapunong pari ng mga Judio at kamag-anak ng lalaking natagpasan niya ng tainga, “Hindi ba ikaw ang nakita kong kasama ni Jesus sa halamanan?”
27 Muling ikinaila ito ni Pedro, at narinig na tumilaok ang manok.
28 Maaga pa nang dalhin si Jesus sa palasyo mula sa bahay ni Caifas. Hindi pumasok ang mga pinuno ng mga Judio sa palasyo upang sila'y huwag maituring na di karapat-dapat kumain ng hapunang pampaskwa.
29 Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, “Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?”
30 Sila'y sumagot, “Hindi po namin siya dadalhin sa inyo kung hindi siya gumawa ng masama.”
31 Sinabi sa kanila ni Pilato, “Dalhin ninyo siya at hatulan ayon sa inyong batas.”Subalit sumagot ang mga Judio, “Wala po kaming kapangyarihang humatol ng kamatayan kaninuman.”
32 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Jesus nang ipahiwatig niya kung sa anong paraan siya mamamatay.