5 “Si Jesus na taga-Nazaret,” sagot nila.At sinabi niya, “Ako si Jesus.”Kaharap nila noon si Judas na nagtaksil sa kanya.
6 Nang sabihin niyang, “Ako si Jesus,” napaurong sila at natumba.
7 Muli siyang nagtanong, “Sino nga ba ang hinahanap ninyo?”“Si Jesus na taga-Nazaret,” sagot nila.
8 Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyong ako si Jesus. Kung ako ang hinahanap ninyo, hayaan ninyong umalis ang mga taong ito.”
9 Sa gayon, natupad ang kanyang sinabi, “Ama, walang napahamak kahit isa sa mga ibinigay mo sa akin.”
10 Binunot ni Simon Pedro ang kanyang tabak at tinaga ang kanang tainga ni Malco na isa sa mga alipin ng pinakapunong pari ng mga Judio.
11 Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Ibalik mo sa lalagyan ang iyong tabak! Dapat kong danasin ang paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama.”