9 Sa gayon, natupad ang kanyang sinabi, “Ama, walang napahamak kahit isa sa mga ibinigay mo sa akin.”
10 Binunot ni Simon Pedro ang kanyang tabak at tinaga ang kanang tainga ni Malco na isa sa mga alipin ng pinakapunong pari ng mga Judio.
11 Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Ibalik mo sa lalagyan ang iyong tabak! Dapat kong danasin ang paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama.”
12 Dinakip nga si Jesus at iginapos ng mga bantay sa Templo at ng mga kawal na Romano na pinamumunuan ng isang kapitan.
13 Siya'y dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas, ang pinakapunong pari nang taóng iyon.
14 Si Caifas ang nagpayo sa mga pinuno ng mga Judio na mas mabuti para sa kanila na isang tao lamang ang mamatay para sa bayan.
15 Sumunod kay Jesus si Simon Pedro at ang isa pang alagad. Ang alagad na ito ay kilala ng pinakapunong pari kaya't nakapasok siyang kasama ni Jesus hanggang sa patyo ng bahay ng pinakapunong pari.