1 Kaya't ipinakuha ni Pilato si Jesus at ipinahagupit.
2 Ang mga kawal ay kumuha ng sangang matinik, ginawa itong korona at ipinutong kay Jesus. Siya rin ay sinuotan nila ng balabal na kulay ube at
3 bawat isa'y lumalapit sa kanya at patuyang bumabati, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At kanilang pinagsasampal si Jesus.
4 Lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao, “Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong makitang kasalanan sa kanya!”
5 At inilabas nga si Jesus na may koronang tinik at balabal na kulay ube. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Sige! Pagmasdan ninyo siya!”