18 Pagdating doon, siya'y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa.
19 Isinulat ni Pilato ang ganitong mga salita at ipinalagay sa krus: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.”
20 Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lunsod ang dakong pinagpakuan kay Jesus.
21 Kaya't ipinagpilitan ng mga punong pari kay Pilato, “Hindi sana ninyo isinulat ang ‘Ang Hari ng mga Judio’, kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’”
22 Ngunit sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko'y naisulat ko na.”
23 Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang panlabas na kasuotan at pinaghati-hati sa apat. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba.
24 Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; daanin na lamang natin sa palabunutan para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan,“Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan;at nagpalabunutan sila kung kanino mapupunta ang aking damit.”Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.