1 Pagkatapos nito, muling nagpakita si Jesus sa mga alagad sa tabi ng Lawa ng Tiberias. Ganito ang nangyari:
2 magkakasama sina Simon Pedro, Tomas na tinatawag na Kambal, Nathanael na taga-Cana sa Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang alagad.
3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, “Mangingisda ako.”“Sasama kami,” sabi nila.Umalis nga sila at sumakay sa isang bangka. Magdamag silang nangisda, subalit wala silang nahuli.
4 Nang mag-uumaga na, tumayo si Jesus sa pampang ngunit siya'y hindi nila nakilala.
5 Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?”“Wala po,” sagot nila.