1 May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa grupo ng mga Pariseo.
2 Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.”
3 Sumagot si Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.”
4 “Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?” tanong ni Nicodemo.