1 Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay mas maraming nahihikayat na maging alagad at nababautismuhan kaysa kay Juan.
2 Ngunit ang totoo'y hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad.
3 Nang ito'y malaman ni Jesus, siya'y umalis sa Judea at bumalik sa Galilea
4 ngunit kailangang sa Samaria siya dumaan.
5 Dumating siya sa isang bayan na tinatawag na Sicar. Malapit ito sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose.