2 Ngunit ang totoo'y hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad.
3 Nang ito'y malaman ni Jesus, siya'y umalis sa Judea at bumalik sa Galilea
4 ngunit kailangang sa Samaria siya dumaan.
5 Dumating siya sa isang bayan na tinatawag na Sicar. Malapit ito sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose.
6 Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Dahil siya'y napagod sa paglalakbay, umupo si Jesus sa tabi ng balon. Halos katanghalian na noon.
7 May isang Samaritanang dumating upang umigib, at sinabi ni Jesus sa kanya, “Maaari mo ba akong bigyan ng maiinom?”
8 Wala noon ang kanyang mga alagad dahil sila'y bumibili ng pagkain sa bayan.