37 Totoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’
38 Isinugo ko kayo upang anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang naghirap dito at kayo naman ang umani ng kanilang pinaghirapan.”
39 Maraming Samaritano sa bayang iyon ang nanalig kay Jesus dahil sa patotoo ng babae, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.”
40 Kaya't pumunta sila kay Jesus at nakiusap na tumigil muna siya roon, at tumigil nga siya roon sa loob ng dalawang araw.
41 At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya.
42 Pagkatapos, sinabi nila sa babae, “Naniniwala kami ngayon, hindi na dahil sa sinabi mo kundi dahil sa narinig namin siya. Alam na naming siya nga ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.”
43 Pagkaraan ng dalawang araw, bumalik si Jesus sa Galilea.