41 At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya.
42 Pagkatapos, sinabi nila sa babae, “Naniniwala kami ngayon, hindi na dahil sa sinabi mo kundi dahil sa narinig namin siya. Alam na naming siya nga ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.”
43 Pagkaraan ng dalawang araw, bumalik si Jesus sa Galilea.
44 (Si Jesus na rin ang nagsabi na ang isang propeta'y hindi iginagalang sa sarili nitong bayan.)
45 Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.
46 Nagpunta muli si Jesus sa Cana, Galilea. Dito niya ginawang alak ang tubig. Sa bayan naman ng Capernaum ay may isang pinuno ng pamahalaan. Ang anak niyang lalaki ay may sakit
47 at naghihingalo na. Nang mabalitaan niyang bumalik si Jesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito at pinakiusapang pumunta sa Capernaum upang pagalingin ang kanyang anak.