1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias.
2 Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang pagpapagaling niya sa mga maysakit.
3 Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon.
4 Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio.