66 Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya.
67 Tinanong ni Jesus ang Labindalawa, “Kayo naman, gusto rin ba ninyong umalis?”
68 Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
69 Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa Diyos.”
70 Sumagot si Jesus, “Hindi ba't ako ang humirang sa inyong Labindalawa? Sa kabila nito'y diyablo ang isa sa inyo!”
71 Ang tinutukoy niya'y si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat si Judas na kabilang sa Labindalawa, ang siyang magkakanulo sa kanya.