3 kaya't sinabi kay Jesus ng kanyang mga kapatid, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng iyong mga tagasunod ang ginagawa mo?
4 Walang taong naglilihim ng kanyang ginagawa kung ang hangad niya'y maging tanyag. Ginagawa mo rin lamang ang mga bagay na ito, magpakilala ka na sa sanlibutan.”
5 Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi nananalig sa kanya.
6 Sumagot si Jesus, “Hindi pa ito ang tamang panahon; sa inyo'y maaari kahit anong panahon.
7 Hindi kayo kapopootan ng sanlibutan, ngunit ako'y kinapopootan nila, sapagkat pinapatotohanan kong pawang masasama ang mga gawa nito.
8 Kayo na lamang ang pumunta sa pista. Hindi ako pupunta sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon.”
9 Pagkasabi nito, nagpaiwan siya sa Galilea.