39 Ang tinutukoy niya'y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Sapagkat hindi pa naipagkakaloob noon ang Espiritu dahil si Jesus ay hindi pa muling nabuhay at niluwalhati.
40 Sinabi ng ilang nakarinig sa kanya, “Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!”
41 “Siya na nga ang Cristo!” sabi naman ng iba. Ngunit mayroon namang sumagot, “Maaari bang magmula sa Galilea ang Cristo?
42 Hindi ba sinasabi sa kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lipi ni David, at ipanganganak sa Bethlehem na bayan ni David?”
43 Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya.
44 Gusto ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang mangahas na humuli sa kanya.
45 Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”