43 Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya.
44 Gusto ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang mangahas na humuli sa kanya.
45 Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”
46 Sumagot sila, “Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad niya!”
47 “Pati ba kayo'y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo.
48 “Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya?
49 Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya, kaya't sila'y mga sinumpa!”