45 Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”
46 Sumagot sila, “Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad niya!”
47 “Pati ba kayo'y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo.
48 “Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya?
49 Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya, kaya't sila'y mga sinumpa!”
50 Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, ang Pariseong nagsadya kay Jesus noong una. At siya'y nagtanong,
51 “Hindi ba't labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa?”