9 Pagkasabi nito, nagpaiwan siya sa Galilea.
10 Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ay palihim na pumunta rin sa pista.
11 Hinahanap siya roon ng mga Judio. “Nasaan kaya siya?” tanong nila.
12 Pabulong na pinag-uusapan siya ng marami. “Siya'y mabuting tao,” sabi ng ilan. “Hindi, inililigaw niya ang mga tao,” sabi naman ng iba.
13 Ngunit walang nangahas magsalita nang hayagan tungkol sa kanya dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio.
14 Nang kalagitnaan na ng pista, pumasok si Jesus sa Templo at nagsimula na namang magturo.
15 Nagtataka ang mga pinuno ng mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?”