18 Ang kabayaran sa kanyang pagtataksil ay ibinili niya ng lupa. Doon siya nahulog nang patiwarik at sumabog ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka.
19 Nabalita iyon sa buong Jerusalem, kaya nga't ang lupang iyon ay tinawag na Akeldama sa kanilang wika, na ang kahulugan ay Bukid ng Dugo.
20 Sinabi pa ni Pedro,“Nasusulat sa Aklat ng mga Awit,‘Ang tirahan niya'y tuluyang layuan,at huwag nang tirhan ninuman.’Nasusulat din,‘Ibigay sa iba ang kanyang tungkulin.’
21-22 “Kaya't dapat tayong pumili ng isang makakasama namin bilang saksi sa muling pagkabuhay ni Jesus. Kailangang siya'y isa sa mga kasa-kasama namin sa buong panahong kasama kami ng Panginoong Jesus, mula nang bautismuhan ni Juan si Jesus hanggang sa siya ay iniakyat sa langit.”
23 Kaya't pumili sila ng dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo.
24 Pagkatapos, sila'y nanalangin, “Panginoon, alam ninyo kung ano ang nasa puso ng lahat ng tao. Ipakita po ninyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang inyong pinili
25 upang maging apostol na gaganap sa tungkuling tinalikdan ni Judas nang siya'y pumunta sa lugar na nararapat sa kanya.”