22 Sumagot ang mga lalaki, “Kami'y pinapunta dito ni Kapitan Cornelio. Siya'y isang mabuting tao, may takot sa Diyos, at iginagalang ng mga Judio. Sinabi sa kanya ng isang anghel na ipasundo kayo at pakinggan ang sasabihin ninyo.”
23 Pinatuloy sila ni Pedro at doon pinatulog nang gabing iyon.Kinabukasan, siya'y sumama sa kanila, gayundin ang ilang kapatid na taga-Joppa.
24 Nang sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Doo'y naghihintay na sa kanila si Cornelio, pati ang mga kamag-anak at kaibigan na kanyang inanyayahan.
25 Sinalubong ni Cornelio si Pedro, nagpatirapa sa harap nito at sinamba.
26 Ngunit sinabi ni Pedro, “Tumayo kayo, ako'y tao ring tulad ninyo.”
27 Patuloy silang nag-uusap habang pumapasok sa bahay, at nakita ni Pedro na maraming taong natitipon doon.
28 Sinabi niya, “Alam naman ninyo na bawal sa isang Judio ang makihalubilo o dumalaw sa isang hindi Judio. Subalit ipinakita sa akin ng Diyos na wala akong dapat ituring na marumi at di karapat-dapat pakitunguhan.