14 Nakilala niya agad ang tinig ni Pedro, at sa laki ng tuwa ay hindi na nagawang buksan ang pinto. Sa halip, tumakbo siyang papasok at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.
15 “Nahihibang ka ba?” sabi nila. Ngunit iginiit niyang naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Baka naman anghel niya iyon!”
16 Samantala patuloy na kumakatok si Pedro.Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro at hindi sila makapaniwala.
17 Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil sa pagkawala ni Pedro, at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya.
19 Ipinahanap ni Herodes si Pedro, at nang hindi matagpuan ay ipinasiyasat ang mga bantay at ipinapatay.Pagkatapos, umalis si Herodes sa Judea, pumunta sa Cesarea at nanatili roon.
20 Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't napagkasunduan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon na lumapit sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang mayordomo ng hari, upang sila'y samahan.