12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, at humanga ito sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.
13 Mula sa Pafos, naglayag sina Pablo hanggang sa Perga sa Pamfilia; humiwalay naman sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem.
14 Mula sa Perga, nagpatuloy sila hanggang Antioquia sa Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo.
15 Matapos basahin ang ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga Propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong ituturo sa mga tao, maaari kayong magsalita.”
16 Kaya't tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik,“Mga Israelita, at kayong lahat na may takot sa Diyos, makinig kayo!
17 Ang Diyos ng ating bansang Israel ang pumili sa ating mga ninuno. Sila'y ginawa niyang isang malaking bansa habang naninirahan pa sila sa lupain ng Egipto, at sila'y inilabas niya doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan.
18 Sa loob ng apatnapung taon, sila ay pinagtiisan niya sa ilang.